Dalagita kinaray pa-Saudi, naharang sa NAIA

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

1 min read
Share:

Isang 17-anyos na babae na umano’y ilegal na na-recruit para magtrabaho sa Saudi Arabia ang nasagip ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kinilala ng BI ang biktima na si Zia na patungo sanang Saudi Arabia para magtrabaho bilang household helper ngunit nahara...

Isang 17-anyos na babae na umano’y ilegal na na-recruit para magtrabaho sa Saudi Arabia ang nasagip ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ng BI ang biktima na si Zia na patungo sanang Saudi Arabia para magtrabaho bilang household helper ngunit naharang sa paliparan noong Enero 24.

Bagama’t naka-record sa kanyang passport na siya ay 25-anyos, nabuking sa kanyang birth certificate na siya ay 17-anyos lamang, kaya bawal sa legal na overseas employment.

Inamin naman ni Zia na kinuhanan siya ng trabaho ng isang recruitment agency sa Pasay City.

Samantala, nai-turnover na si Zia sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at pagtunton sa kanyang ilegal na recruiter. (Angelica Malillin)

The post Dalagita kinaray pa-Saudi, naharang sa NAIA first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph