Ex-cop, dyowang car agent timbog sa tinodas na policewoman, anak
tonite.abante.com.ph
Saturday, January 31, 2026
Naaresto na ng pulisya ang mga suspek sa umano’y pamamaslang sa isang policewoman at 8-anyos nitong anak sa Novaliches, Quezon City. Sa exclusive report ni Edwin Balasa ng Abante, kinilala na ng pulisya ang mga suspek na sina Pia Katrina Panganiban, 29, car agent; asawa nitong si Christian Suarez...
Naaresto na ng pulisya ang mga suspek sa umano’y pamamaslang sa isang policewoman at 8-anyos nitong anak sa Novaliches, Quezon City.
Sa exclusive report ni Edwin Balasa ng Abante, kinilala na ng pulisya ang mga suspek na sina Pia Katrina Panganiban, 29, car agent; asawa nitong si Christian Suarez Panganiban, 44, dismiss na miyembro ng PNP; at isa pang indibidwal na si Gil Valdemoro Dy, 41.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nadakip ang mga suspek sa pagitan ng alas-8:00 at alas-11:30 ng gabi sa magkahiwalay na lugar sa Galicia St., Villa San Agustin, Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City at sa Blk. 17 Lot 7 Phase 5, Pascualer Ville, San Bartolome, Quezon City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang mga suspek ay magkatulong na pumaslang sa mga biktimang sina P/Sr. Master Sgt. Diane Marie Mollenido at 8-anyos nitong anak na si John Ysmael Mollenido.
Matatandaang huling nakita ang mag-inang biktima noong Enero 16 matapos ibenta ni Diane Marie ang kanyang Toyota Innova at magtungo sa bahay ng mag-asawang Pia Katrina at Christian sa Blk. 4, Lot 18, Galicia St., Villa San Agustin, Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.
Enero 24 nang matagpuan ang bangkay ni Mollenido sa kahabaan ng Pulilan Bypass Road, Barangay Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan na nakabalot ng damit at inilagay sa plastic, habang ang bangkay naman ng 8-anyos na anak nito ay natagpuan Enero 29 sa calamansi farm sa Sitio Malinis, Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.
Matapos i-dispose ang bangkay ng mag-ina iniwan umano ng mga suspek ang sinakyan nilang SUV sa isang lugar sa Angeles, Pampanga, na pinoproseso ngayon ng Angeles City PNP Forensic Group.
Nakuha din sa isa sa mga suspek ang cellphone na pag-aari ng pinatay na policewoman na lalong nagpatibay sa akusasyon ng mga ito. (with Angelica Malillin/Dolly Cabreza)
The post Ex-cop, dyowang car agent timbog sa tinodas na policewoman, anak first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

56 minutes ago
سنگاندازی در مسیر اجرای مصوبه صدور گواهینامه موتورسیکلت برای بانوان شروع شد!

56 minutes ago
Прокуратура проводит проверку по факту пожара в сауне в Кузбассе
57 minutes ago
В Алжире сохраняется оранжевый уровень опасности из-за ливней и ураганных ветров
57 minutes ago