SportsESPN1 hours ago

Kahit ‘langit’ ibibigay! Golden State uubusin player kapalit ni Giannis

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

2 min read
Share:

PINAUGONG ni Anthony Slater ng ESPN na handang pakawalan ng Golden State ang ilan nilang assets para makuha sa trade si Giannis Antetokounmpo mula Milwaukee. Inireport ni Shams Charania ng ESPN din na “ready for a new home” na raw si Antetokounmpo, isa raw sa pinakamasugid na manliligaw ni Giann...

PINAUGONG ni Anthony Slater ng ESPN na handang pakawalan ng Golden State ang ilan nilang assets para makuha sa trade si Giannis Antetokounmpo mula Milwaukee.

Inireport ni Shams Charania ng ESPN din na “ready for a new home” na raw si Antetokounmpo, isa raw sa pinakamasugid na manliligaw ni Giannis ang Warriors, kasama ang Heat, Timberwolves at Knicks.

Kung may ipapain, handa raw ang Golden State na ilawit ang lahat ng players maliban kay Stephen Curry.

Naghayag na dati ang Bucks ng interes kina 23-year-old Jonathan Kuminga at 22-year-old Brandin Podziemski, kung seseryosohin ng Warriors ang pitch, pakakawalan kaya si Jimmy Butler o si Draymond Green?

Tatanggap pa ng $56.8 million si Butler sa susunod na season, sidelined naman n calf injury si Antetokounmpo.

Samantala, tumabas si Cade Cunningham ng 29 points, 11 assists at maagang kumalas ang Detroit Pistons bago sinalag ang tangkang balik ng Warriors tungo sa 131-124 win Biyernes ng gabi.

Umiskor si Curry ng 23 bago lumabas dahil sa nananakit na kanang tuhod. Nagsumite si Green ng 15 points, 7 rebounds, 7 assists at ang kanyang 10th technical sa season.

May 21 markers, 13 boards si Jalen Duren, 15 points kay Duncan Robinson sa Pistons na umagwat hanggang 20 at 77-64 sa break.

Sa 3-pointer ni Gui Santos at layup ni Buddy Hield ay nailapit ng Warriors 114-117, 6:19 pa pero hanggang doon na lang. (Vladi Eduarte)

The post Kahit ‘langit’ ibibigay! Golden State uubusin player kapalit ni Giannis first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph