Rodney Brondial pinasalat sa San Miguel ang korona
tonite.abante.com.ph
Friday, January 30, 2026
Puro na ang San Miguel Beermen sa back-to-back all-Filipino titles. Sa pangunguna ni Rodney Brondial, nagising mula sa malamyang umpisa ang Beermen, umahon mula 16-point deficit para agawan ng panalo ang TNT 96-82 sa Game 5 ng PBA 50 Philippine Cup Finals sa Ynares Center sa Antipolo nitong Biyer...
Puro na ang San Miguel Beermen sa back-to-back all-Filipino titles.
Sa pangunguna ni Rodney Brondial, nagising mula sa malamyang umpisa ang Beermen, umahon mula 16-point deficit para agawan ng panalo ang TNT 96-82 sa Game 5 ng PBA 50 Philippine Cup Finals sa Ynares Center sa Antipolo nitong Biyernes ng gabi.
Abante ang SMB sa series 3-2, puwede nang tapusin ang series sa Game 6 na babalik sa SM Mall of Asia Arena sa Linggo. Kung makakabawi ang Tropang 5G, sa Pasay venue rin ang winner-take-all sa Miyerkoles (Feb. 4).
Ginawang starter ni coach Leo Austria si Brondial, scoreless sa first quarter bago umiskor ng 8 sa second para sindihan ang ahon ng San Miguel.
Kasunod nuân ay gumana na rin ang mga pangunahing kamador ni Austria at nakabawi ang Beermen mula sa 110-87 loss noong Game 4.
Tumapos si Brondial ng 17 points, 14 rebounds, dating gawi sa double-double na 14 points, 11 rebounds si June Mar Fajardo.
Limang player pa ng SMB ang umiskor ng 10 pataas – may 14 at 7 si Don Trollano, 12 kay Kris Rosales, tig-11 sina Mo Tautuaa at Marcio Lassiter at 10 si CJ Perez. May 6 boards, 7 dimes pa si Tautuaa.
Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, pinakamarami na sa Finals ang pitong players ng SMB na naka-double figures. Pitong Beermen din ang umiskor ng 10 pataas sa title-clinching 119-97 Game 7 rout sa TNT noong 2022 all-Filipino title series.
âGanyan talaga, gusto naming manalo kasi mahirap ma-down sa 3-2 sa series na âto, especially championship,â ani Brondial na 6 of 8 sa floor, may 2 blocks pa sa extended minutes na kulang 34 minutes. âNaging motivation ang pagkatalo namin last game, medyo tambak. Masama âyun, gusto namin talagang bumawi ngayon.â
Inabot na ng cramps si Brondial sa third, nagkaroon din ng injury scare si Fajardo pero tumodo pa rin ang dalawa.
Inumpisahan ng TNT ang laro 23-7, nakabalik ang SMB sa second sa likod nina Brondial at Rosales para ilapit 48-47 sa break.
Sa third, nagpakawala ng 19-5 run ang Beermen para kontrolin ang laro. Lumobo pa sa 77-59 ang lamang sa dulo ng period nang ma-outscore ng SMB ang TNT 30-13.
Bumuhos ng 20 si Calvin Oftana, 11 dito sa final frame pero hindi na naibalik ang Tropa. Naka-10 points si Jordan Heading sa first half pero 3 na lang ang naidagdag.
Bumalik ang left hamstring injury ni Roger Pogoy at hindi naglaro, ang 11 ni Henry Galinato at 10 ni Rey Nambatac na lang ang umangas sa TNT. (Vladi Eduarte)

The post Rodney Brondial pinasalat sa San Miguel ang korona first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
8 minutes ago
Drama in Senate as Senators cry out over paucity of fund
8 minutes ago
Brown University pays out first workforce grants under deal with Trump
8 minutes ago
China edges up with 3 of worldâs top 20 chipmaking gear suppliers
9 minutes ago