Shuvee Etrata sumadsad ang kasikatan

tonite.abante.com.ph

Friday, January 30, 2026

1 min read
Share:

Obserbasyon ng karamihan bumaba raw ang popularity ni Shuvee Etrata. Kumpara dati na kalalabas lang niya sa bahay ni kuya, tila hindi na ganun kasikat si Shuvee. Hindi na raw kasi siya pinag-usapan masyado. Pagtatanggol naman ng kaniyang mga faney, muling aariba si Shuvee lalo’t kasama siya...

Obserbasyon ng karamihan bumaba raw ang popularity ni Shuvee Etrata.

Kumpara dati na kalalabas lang niya sa bahay ni kuya, tila hindi na ganun kasikat si Shuvee. Hindi na raw kasi siya pinag-usapan masyado.

Pagtatanggol naman ng kaniyang mga faney, muling aariba si Shuvee lalo’t kasama siya sa serye ni Dingdong Dantes at maganda raw ang role niya rito.

Apat din daw ang pelikulang gagawin niya. Babalik din daw siyang mag-co host kina Vice Ganda kapag hindi na ito busy.

Kahit ano naman daw ang sabihin ng mga faney ni Shuvee, tanggapin na raw ng mga ito na mula rin na hindi na siya naging co-host sa noontime show nila Vice ay nabawasan daw ang kaniyang popularidad. Nakaapekto raw talaga ang mga negative issues sa kaniya no’n na may kinalaman sa paglabas ng mga lumang videos niya na may kinalaman sa politika. Ang Isa naman ay ‘yung ‘Jojowain at Totropahin’ vlog tungkol Kay Vice Ganda.

The post Shuvee Etrata sumadsad ang kasikatan first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph