Sa gitna ng solar firm scandal: Leandro Leviste sisibat sa `world tour’

tonite.abante.com.ph

Friday, January 30, 2026

2 min read
Share:

Sa gitna ng mga kinakaharap na kontrobersiya kaugnay ng congressional franchise sa kanyang solar firm, humingi umano ng clearance si Batangas Rep. Leandro Leviste kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang payagan siya na makalabas ng Pilipinas. Nakakuha ng kopya ang online news Politiko ng ...

Sa gitna ng mga kinakaharap na kontrobersiya kaugnay ng congressional franchise sa kanyang solar firm, humingi umano ng clearance si Batangas Rep. Leandro Leviste kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang payagan siya na makalabas ng Pilipinas.

Nakakuha ng kopya ang online news Politiko ng travel request ni Leviste kung saan inilahad ang tila “world tour” ng mambabatas sa 19 na bansa sa loob ng 168 na araw, mula Pebrero 8 hanggang Hulyo 26, 2026.

Kabilang umano sa mga pupuntahan ni Leviste ay ang United States, Hong Kong, Singapore, Indonesia, Cambodia, Timor-Leste, France, Germany, Belgium, Netherlands, Italy, Switzerland, Austria, Portugal, Spain, Australia, United Kingdom, China, at United Arab Emirates.

Sa kanyang travel request, tiniyak ni Leviste sa liderato ng Kamara de Representantes na walang gagastusin ang kapulungan sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang bansa.

Ang paglipad ni Leviste palabas ng bansa ay kasabay ng pinaplantsang imbestigasyon ng House Committee on Public Accounts sa congressional franchise ng Solar Para sa Bayan, ang kompanyang itinatag ng kongresista.

Naging malaking isyu sa bansa ang paglabag umano ng solar firm sa prangkisang ipinagkaloob dito ng Kongreso matapos na ibenta sa grupo ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan.

The post Sa gitna ng solar firm scandal: Leandro Leviste sisibat sa `world tour’ first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph