Samantha Panlilio handang linisin ang pagkakadawit sa ‘bugbugan’
tonite.abante.com.ph
Friday, January 30, 2026
Naglabas ng official statement ang kampo ng beauty queen na si Samantha Panlilio kaugnay ng alegasyong illegal detention at pananakit umano sa driver ng aktres na si Rhian Ramos. Ibinahagi sa Facebook page ng Bilyonaryo News Channel ang naturang statement. Ayon kina Atty. Buenaventura Miranda at ...
Naglabas ng official statement ang kampo ng beauty queen na si Samantha Panlilio kaugnay ng alegasyong illegal detention at pananakit umano sa driver ng aktres na si Rhian Ramos.
Ibinahagi sa Facebook page ng Bilyonaryo News Channel ang naturang statement.
Ayon kina Atty. Buenaventura Miranda at Atty. Carl Jon Mucho, mga abogado ni Panlilio, hindi pa nababasa ng kanilang kliyente ang reklamo ngunit kumpiyansa umano na mababasura ito pagkatapos ng masusing imbestigasyon dahil sa pagiging gawa-gawa lamang umano.
“Our client has not read the Complaint yet but she is confident that, after due investigation, it will be dismissed for being a pure fabrication.”
Dagdag nila, batay umano sa records ng Makati City Police, naaresto ang complainant na si Bonifacio Baro noong Enero 19, 2026 dahil sa kasong Qualified Theft at nanatiling nakakulong hanggang Enero 22, 2026.
Bagama’t pansamantalang ibinasura ang kaso, ito umano ay muling naisampa.
Dagdag pa ng kampo ni Panlilio, handa siyang makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang linisin ang kanyang pangalan.
Matatandaang inireklamo ni Baro sina Samantha at Rhian pati na rin si Michelle Dee ng umano’y pananakit at pagkulong sa kanya. Pinagbintangan umano siya ng pagnanakaw ng ampao na naglalaman ng ilang sensitibong larawan.
Kapwa na pinabulaanan nina Rhian at Michelle, sa pamamagitan ng kanilang abogado, ang paratang ni Baro. (Issa Santiago)
The post Samantha Panlilio handang linisin ang pagkakadawit sa ‘bugbugan’ first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph

