Back to News
🌍
VisMinBarangay New Abra•1 hours ago

Naki-wi-fi! 4 sa pamilya minasaker

tonite.abante.com.ph

Friday, January 30, 2026

1 min read
Share:

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya habang isa sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato, nitong Huwebes ng gabi. Sa ulat ng Matalam Municipal Police Station (MPS), dead on the sp...

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya habang isa sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Matalam Municipal Police Station (MPS), dead on the spot ang biktimang sina Rashid Sahay Mampo, 20; Rica Jane Maidlos, 16; Daryl Mampo Diansay, 12; at Russel Kim Mampo Diansay, 11-anyos.

Nasa kritikall na kalagayan naman si Ebrahim Mampo Lamalan, 14, at patuloy pang inoobserbahan sa Amas Provincial Hospital.

Batay sa imbestigasyon, nagtungo ang mga biktima sa isa nilang kaanak upang makigamit ng WIFI at habang papauwi ay bigla na lamang silang pinagbabaril sa nasabing lugar.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng pananambang para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin. (Dolly Cabreza)

The post Naki-wi-fi! 4 sa pamilya minasaker first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph