Anak ng tinodas na policewoman, natagpuang bangkay
tonite.abante.com.ph
Thursday, January 29, 2026
Natagpuan na ng mga awtoridad nitong Huwebes ng hapon, Enero 29, ang bangkay ng walong taong gulang na si John Ysmael Mollenido sa isang calamansi farm sa Barangay Maluid sa Victoria, Tarlac. Ang biktima ay anak ni Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido, na una nang natagpuang patay...
Natagpuan na ng mga awtoridad nitong Huwebes ng hapon, Enero 29, ang bangkay ng walong taong gulang na si John Ysmael Mollenido sa isang calamansi farm sa Barangay Maluid sa Victoria, Tarlac.
Ang biktima ay anak ni Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido, na una nang natagpuang patay sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan noong Enero 24 matapos magtamo ng bala sa ulo.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3, nadiskubre ng isang residente ang bangkay bandang 2:50 ng hapon sa madamong bahagi ng bukirin.
Natagpuan ang bata na nakabalot ng plastic tape at walang dalang anumang dokumento.
Batay sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang mag-ina noong Enero 16 nang magtungo sila sa Quezon City kasama ang isang car agent para sa transaksiyon ng pagbebenta ng kanilang sasakyan.
Sa kasalukuyan, ang nasabing car agent ay itinuturing na isa sa mga persons of interest ng Special Investigation Task Group.
Isinailalim na sa forensic examination at luminol test ang bahay nito sa Barangay San Agustin, Novaliches, kung saan natukoy ang mga bakas na hinihinalang dugo.
Kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng laboratoryo upang makumpirma kung ito ay dugo ng tao. (Ronilo Dagos)
The post Anak ng tinodas na policewoman, natagpuang bangkay first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph


