Diskarte ng mga sobrang galit kay PBBM
tonite.abante.com.ph
Thursday, January 29, 2026
“The Dark Forces have created countless troll farms to relentlessly spam the Internet with their agendas. Trillions of fake accounts are used to create disinformation, create a fake majority opinion about topics, bully people who are putting out information the Dark Forces don’t like, and get peo...
“The Dark Forces have created countless troll farms to relentlessly spam the Internet with their agendas. Trillions of fake accounts are used to create disinformation, create a fake majority opinion about topics, bully people who are putting out information the Dark Forces don’t like, and get people arguing with each other to create negative energy.
> Jasun Ether, The Beasts of Success
TOLD YAH!
Lahat ay gagawin ng mga sobrang galit kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mawala siya sa puwesto at mapalitan agad ni VP Sara Duterte.
Una na ang pagsakay nila sa isyu ng korapsiyon sa flood control projects.
Nag-organisa ng malawakang rally noong Setyembre 21,2025 at tinangka na lusubin at sunugin ang Malakanyang. Hinimok ng mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin na ang suporta sa kanilang Commander-in-Chief at simulan ang isang panibagong people power.
Ito ay sa kabila na nadadawit din sa mga kuwestiyonableng flood control projects ang dating Duterte administration.
Pangalawa, nakailang press conference na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at hiniling na magbitiw sa tungkulin si Marcos dahil sa isyu ng korapsiyon.
Ang problema may mga isyu rin ng katiwalian na nasasangkot si Singson.
Pangatlo, nagpunta sa House of Representatives para maghain ng impeachment complaints laban sa Pangulo. Nang hindi tanggapin ng Office of the Secretary General, hindi naman bumalik para isampa ulit.
Sa susunod na buwan, matatapos na ang one year bar sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
At ngayon, nagkalat ng maling impormasyon sa publiko sa kalusugan ni PBBM. Kapwa pinabulaanan na ng Presidential Communications Office (PCO) at St. Luke’s Medical Center na malala ang lagay ng Pangulo.
At hindi sila titigil hangga’t hindi naibabalik sa Malakanyang ang mga Duterte.
Dito na dapat mag-isip at magmasid ang mamamayang Pilipino. Pilipinas muna bago politika.
May eleksiyon sa 2028, nakakainip na ba at hindi makapaghintay?
Seryoso ang usapin ng pagnanakaw sa kaban ng bayan pero kapag nahaluan ng politiko laging maiiwan sa kangkungan ang mga Pilipino.
Lahat tayo ay galit. Lahat tayo ay nananawagan ng pananagutan. Pero tigil dakdak muna at pagkalat ng fake news para `di madiskaril ang proseso.
Kung aabot hanggang sa Pangulo ang pananagutan, ihataw ang batas. Pero ang tanong, sino ang papalit?
Walang personalan.
The post Diskarte ng mga sobrang galit kay PBBM first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

50 minutes ago
В НАТО и ЕС хотят гарантий для сохранения киевского режима, заявил Лавров
50 minutes ago
Iran : l’Union européenne place les gardiens de la révolution sur la liste des organisations terroristes

50 minutes ago
Лавров заявил о готовности РФ разрядить обстановку между Израилем и Ираном

51 minutes ago